SC, nagtalaga ng special courts na hahawak sa mga Cybercrime Case

Nagtalaga na ang Korte Supreme ng mga special court para humawak sa mga kasong may kaugnayan sa Cybercrime.

Sa isang full court ruling, ilang branches ng Regional Trial Courts ang itinalaga para lumitis at magpasya ng mga Cybercrime case sa ilalim ng ra 10175 o Cybercrime Prevention Act.

Ayon sa Supreme Court, ang mga RTC branches na inatasan na maging special commercial courts sa mga administrative matter noong June 2003 ang itinalagang maging Cybercrime courts.

Ang mga cybercrime court sa mga judicial Regions ay mayroong territorial authority sa buong Rehiyon kung saan naroon ang RTC.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *