Sen. de Lima muling umapela sa Korte Suprema na ipagutos na palayain na siya

Muling nanawagan sa Korte suprema si Senadora Leila de Lima na ipagutos na nito na palayain na siya sa pagkakakulong kaugnay sa kasong iligal na droga

Sa kanyang memorandum na inihain sa Korte Suprema, iginiit ng Senadora na hindi siya humihingi ng special treatment sa Supreme Court nang dito niya diretsong kinuwestyon ang arrest order ng Muntinlupa RTC.

Itinanggi rin niya na lumabag siya sa forum shopping nang maghain ng petisyon sa Korte Suprema habang nakabinbin ang isa pa niyang petisyon sa Court of Appeals.

Binigyang-diin ni de Lima na nagpasaklolo siya sa Korte Suprema dahil ito lamang ang may kapangyarihan na itigil ang pag-abuso ng mga nasa kapangyarihan

Kung kaya aniyang gawin ito sa kanya na isang Senadora ng pamahalaan ay lalo na sa mga ordinaryong tao

Ayon pa kay de Lima, kanya lamang ginagamit ang  karapatan ng bawat mamamayan na i- invoke ang Saligang Batas para maprotektahan mula sa pagabuso ng pamahalaan.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *