Sen. Gordon tutol na muling imbestigahan ng Senado ang pork barrel scam

Tutol si Senador Richard Gordon na muling buksan ang imbestigasyonng Senado sa maanomalyang pork barrel scam na kinasasangkutan ni Janet Lim Napoles.

Pangamba ni Gordon, Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, baka magamit lang sa paghihiganti ng ng gobyerno ang pagpapaimbestiga gaya ng ginawa ng nakaraang administrasyon.

Magpapatawag na lang si Gordon ng pagdinig kung may lulutang na bagong testigo o ebidensya lalo na sa mga Non Government Organizations na hiwalay pa sa mga NGO ni Napoles.

Pero wala itong magagawa kung may maghahain ng resolusyon hinggil dito.

Ulat ni : Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *