Sen. JV Ejercito, humirit saSandiganbayan na payagan siyang makabiyahe sa UAE

Kumpiyansa si Sen. JV Ejercito na papayagan siya ng Sandiganbayan na makabiyahe patungong United Arab Emirates ngayong buwan.

Sa kanyang inihaing mosyon sa Sixth Division ng anti-graft court, sinabi ni Ejercito na balak niyang bumyahe patungong UAE mula Mayo 27 hanggang 29 bilang delegate sa official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit ni Ejercito na hindi siya flight risk sapagkat isa siyang Senador at utang na loob  niya ito sa taumbayan na bumoto sa kanya.

Nakasaad din sa kanyang mosyon ang paglalagak ng travel bond sa nakalipas na biyahe.

Handa rin si Ejercito na magpakita kaagad sa korte pagdating ng bansa.

Matatandaang nahaharap sa kasong graft at technical malversation si Ejercito dahil sa maanomalyang pagbili ng high-powered na mga baril na nagkakahalaga ng P2.1 million noong siya ay alkalde pa lamang ng San Juan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *