Senador Antonio Trillanes walang dapat sisihin sa pagkakakansela ng kanyang amnesty kundi sarili niya ayon sa Malacañang

Binigyang diin ng Malacañang na hindi politika ang dahilan ng pagpapakansela ng amnestiya na ibinigay kay Senador Antonio Trillanes ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa briefing Jerusalem na proseso at legalidad ang pinagbatayan ng ginawang review ng legal team ng Malakanyang at military establishment sa ibibigay na amnesty kay Trillanes.

Ayon kay Roque walang dapat na sisihin si Trillanes kundi ang kanyang sarili dahil hinabol lamang siya ng mga kasalanan niya sa nakaraang na hindi niya napagbayaran sa batas.

Inihayag ni Roque naging kakampi ni Trillanes ang nakaraang administrasyon kaya naging maluwag ang proseso ng pagbibigay sa kanya ng amnistiya.

Ang amnesty kay Trillanes na ibinigay ni dating Pangulong Aquino sa ilalim ng proclamation 75 noong 2010 ay pinawalang bisa ni Pangulong Duterte sa pamamagitan ng proclamation 572 na pinirmahan noong august 31 2018 dahil hindi nasunod ang tamang proseso tulad ng formal application at pag-amin sa krimen ng kudeta, mutiny at sedition.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *