Sistema sa pagbibigay ng pabahay, dapat higpitan- Sen. JV Ejercito

Nangangamba si Senador JV Ejercito na maulit ang ginawang iligal na pag-okupa ng grupong KADAMAY sa mga housing projects ng gobyerno kapag hindi binago ang sistema sa pagtatayo at pagbibigay ng pabahay.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Urban Planning Housing and Resettlement, binalaan ni Ejercito ang mga opisyal ng gobyerno na dapat magsilbi itong wake up call at aksyunan ang mabagal na turn-over ng mga ipinatatayong housing units para sa mga benipisyaryo nito.

Nakakalugkot aniya na marami sa mga pabahay ng gobyerno ang nakatiwangwang at nabubulok samantalang milyon milyon pa rin ang mga walang disenteng pabahay, nakatira sa mga estero, kariton at mga danger zone na umaabot pa sa 5.6 million.

 “Nakakalungkot po malaman na hanggang dito lang talaga tayo umaabot. Anong nangyari sa libu-libong ipinatayong pabahay? Nasaan ang mga naipamahagi na at tinitirhan ng mga kapos-palad nating mga kababayan? At ang mga libu-libong nakatiwangwang na bahay, paano na?”.  – Sen. Ejercito

Sa report ng Commission on Audit hanggang sa huling quarter ng 2016, 8.9 percent lang sa mga housing projects para sa militar at pulisya ang naokupahan

Hinimok ng Senador ang National Housing Authority  at HUDCC na magpatupad g reporma at tigilan na ang sistema na madalas na nagpapatayo ng relocation site at mga housing unit sa mga malalayong lugar kahit pa malayo sa kabuhayan ng mga benipisyaryo.

Sa report ng NHA, umaabot na sa 66, 184 ang naipatayo para sa mga sundalo at pulis.

8, 240 ang okupado habang 55, 124 pa ang walang nakatira.

Sa Pandi Bulacan, sa labing-isang relocation at housing sites, pito rito o 5, 278 housing units ang inokupa ng grupong KADAMAY.

Ulat ni : Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *