Surigao del Norte at Surigao del Sur niyanig ng lindol

Niyanig ng magkasunod na lindol ang Surigao del Sur at Surigao del Norte.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology o Phivolcs,  1:14 ng madaling araw nang tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa bayan ng General Luna sa Surigao del Norte.

30 kilometers ang lalim ng lindol at naitala ang epicenter nito sa 38 kilometers south ng General Luna.

Samantala, ala 1:30 naman ng madaling araw nang maitala ang magnitude 3.2 na lindol sa bayan ng Bayabas sa Surigao del Sur.

Naitala naman ang epicenter ng lindol sa 132 kilometers north ng Bayabas at 57 kilometers ang lalim.

 

===============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *