Suspek sa pagsabog sa Quiapo noong April 28, pinakakasuhan na sa korte

Nakitaan ng Manila Prosecutor’s Office ng sapat na batayan para sampahan ng kaso sa korte ang naarestong suspek sa pagsabog sa Quiapo noong April 28 na ikinasugat ng 13.

Tatlong ulit na kasong frustrated murder at sampung ulit na kasong attempted murder in relation to Section 2 and Section 3-C ng Republic Act 9516 o batas na nagpapataw ng mas mabigat na parusa sa kasong illegal possession of explosives ang ihahain laban kay Abel Macaraya.

Batay ito sa criminal information na nilagdaan  ni Manila City Prosecutor Edward Togonon.

Binigyan ng bigat ng piskal ang mga ebidensyang iprinisinta ng Manila Police District.

Kabilang dito ang salaysay ng tatlong testigo na nagsasabing nakita nilang iniwan ni Macaraya ang itim na bag na naglalaman ng improvised explosive device sa Soler Street, ilang sandali bago ito sumabog.

Gayundin ang apat na CCTV Footage kung saan makikita na si Macaraya ay tumatakbo galing sa pinangyarihan ng pagsabog.

Walang inirekomendang piyansa ang piskal para sa pansamantalang paglaya ni Macaraya.

Ulat ni : Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *