Tigil-pasada ng PISTON, kasado na

Kasado na ang isasagawang ‘tigil-pasada’ ng grupong pinagkaisang samahan ng mga tsuper at operator nationwide o (PISTON) ngayong araw sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ang nasabing transport strike ay bilang protesta sa isinusulong  na phaseout sa mga lumang pampasaherong jeepney.

Idinadahilan ng mga jeepney operators na bukod sa dagdag gastos sa kanila ay magiging pabigat din ito sa mga pasahero dahil sa posibilidad na ang magiging minimum na pasahe ay dose pesos.

Ayon pa sa grupo , hindi sila titigil na magsagawa ng makailang ulit na ‘tigil-pasada’ hangga’t hindi sila napapakinggang ng gobyerno.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *