Unang pagdinig sa plunder case ni dating Sen. Jinggoy Estrada itinakda na ng Sandiganbayan

Makalipas ang tatlong taon mula nang kasuhan, may petsa na ang Sandiganbayan para sa plunder trial laban kay dating Senador Jinggoy Estrada.

Sa pre-trial ng anti-graft court kaninang umaga, personal na dumalo si Estrada, maging ang kapwa-akusado nito sa Pork Barrel scam case na si Janet Lim Napoles.

Nagkasundo ang prosekusyon at depensa sa listahan ng mga ebidensya, laban sa akusado.

Dahil dito, itinakda na ng Sandiganbayan 5th division sa June 19, 2017 ang unang trial sa kasong plunder ni Estrada, at gagawing tuwing Lunes ang pagdinig.

Si Estrada ay nakakulong sa Philippine National Police o PNP detention facility, kaugnay sa kanyang kasong plunder matapos umanong tumanggap ng daang milyong pisong kickback mula sa NGO ni Napoles, kung saan umano napunta ang PDAF ng dating Senador.

Ulat ni : Madelyn Villar – Moratillo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *