Vice Mayor ng Sapa-sapa, Tawi-tawi, patay matapos pagbabarilin sa Zamboanga City

Idineklarang patay si Vice Mayor Haji Al-Rashid Mohammad Ali Lipae ng Sapa-sapa, Tawi-tawi matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Zamboanga City kaninang alas 5:10 ng hapon.

Sakay ng Innova na may plate number KDV-514 kasama ang kaniyang asawa, driver, at escort nang pagbabarilin sa kahabaan ng Governor Alvarez St. sa naturang ciudad.

Agad itong dinala sa Doctors Hospital sa Zamboanga City at naiulat na nasa kritikal na kondisyon subalit kinalaunan ay idineklara na rin itong patay matapos magtamo ng apat na bala ng kalibre 45 na baril.

Sa inisyal na imbistigasyon ang lalaking bumaril sa bise alkalde ay sakay ng isang motorsiklo, subalit iniwan nito ang motor sa daan bunga ng traffic at tinakbo ang sasakyan ni Vice mayor Lipae na nakahimpil sa nasabing lugar at agad pinuntirya ang biktima.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang insidente.

Ulat ni Ely Dumaboc

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *