Natitira pang bihag ng Abu Sayyaf nasagip ng Militar

Kinumpirma ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na matagumpay na nailigtas ng militar ang natitira pang bihag ng Abu Sayyaf na dinukot ng mga rebelde sa karagatan ng Sibago Island sa Basilan.

Sa panayam ng Liwanagin Natin , dahil sa patuloy na rescue operation ng Militar ay narekober ang Chief Engineer ng Cargo Vessel na si Laurencio Tiro at ang kapitan na si Aurelio Agacac sa Barangay Basakan sa munisipyo ng Mohammad Ajul.

Kasabay nito nilinaw ni Padilla na walang ransom kundi ito ay dahil sa joint intensified operations na ginagawa ng mga otoridad laban sa mga kidnapper at sa tulong na rin ng mga residente ay nailigtas ang mga binihag ng Abu Sayyaf.

 

Please follow and like us: