Navotas City Mayor Toby Tiangco, nagpositibo sa Covid 19

Ipinaalam ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na siya ay nagpositibo sa Covid 19 sa pamamagitan ng kanyang Facebook Page, kasabay ng paghingi ng paumanhin sa mga mamamayan ng lunsod na nakasalamuha niya sa mga nakaraang araw at nanawagan na obserbahan ng mga taong nakasalamuha niya ang kanilang kalusugan, at agad na sumangguno sa manggagamot kung kinakailangan.

Ayon kay Tiangco, dahil sa siya ay isang immunocompromise at may severe asthma kaya madalas siyang magpa-antigen test, subalit kahapon ng tanghali ay nag positibo ang alkalde sa RT PCR test.

Sasailalim ang alkalde sa 14 day quarantine, subali’t nangako naman ang na pangungunahan nya pa rin ang Covid reaponse ng lungsod at iba pang gampanin bilang alkalde.

Nakiusap din si Tiangco sa mga mamamayan na doblehin o triplehin pa ang mga pag-iingat at pagsunod sa mga safety protocol at patuloy na magpakuna at magpa-booster shot para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Edison Domingo, Jr.

Please follow and like us: