NBA, nag-book na ng 49 na pre-season game schedule

NEW YORK, United Staes (AFP) – Ang defending champion na Los Angeles Lakers, ang magbubukas sa NBA pre-season schedule kung saan makakalaban nito ang Los Angeles Clippers, bilang bahagi ng 49-game exhibition.

Nag-book na ang liga ng tuneup games mula December 11-19, mas maaga kaysa naka-planong simula ng 2020-2021 campaign sa December 22.

Bawat club ay magkakaroon ng hindi bababa sa dalawang pre-season contests, isang home game at isang road game, at hindi na lalampas sa apat.

Ang Lakers ang maglalaro ng maximum, kung saan ang home games laban sa  Clippers ay gaganapin sa December 11 at 13 habang ang road games kontra Phoenix ay gaganapin naman sa December 16 at 18.

Ang Toronto Raptors ay nakatakda namang maglaro ng home games sa Tampa, Florida, dahil sa COVID-19 restrictions sa US-Canada travel, kung saan makakalaban nila ang Miami sa December 18 pre-season contest.

Ang season schedule, na kinatatampukan ng 72 games para sa bawat club ay hindi pa naipalalabas. Ihahayag ito sa dalawang segments, ang una na kinabibilangan ng games mula sa December 22-March 4, at ang susunod na mula  March 11-May 16 ay iri-release naman sa first-half portion ng season.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: