NBI Clearance center balik-operasyon na ngayong araw

Tuloy na muli ngayong araw ang NBI clearance processing sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine.

Kabilang sa balik operasyon ang NBI clearance center sa UN Avenue sa Ermita, Maynila.

Pero naglatag ng guidelines ang NBI na kailangang sundin ng mga aplikante.

Bukod sa pagsusuot ng face mask at physical distancing, hindi papayagan na may escort o kasama ang aplikante.

Bago rin magpunta sa NBI ay kailangan na nagparehistro at nagbayad na online ang clearance applicant.

Mahigpit na ibinibilin din ng NBI na sundin ng mga aplikante ang kanilang preferred appointment date.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: