NBI clearance operations sa NCR at iba pang lugar na nasa ilalim ng GCQ, balik na muli simula ngayong August 19

Puwede na muli mag-asikaso ng NBI Clearance ang publiko simula ngayong August 19, 2020 sa mga lugar na isinailalim uli sa General Community Quarantine.

Sa abiso ng NBI, sinabi na balik na muli ang clearance processing operations ng kawanihan sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, at Bulacan.

Ito ay matapos ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik na muli sa GCQ ang NCR at ang iba pang mga nabanggit na lalawigan.

Una nang naglatag ang NBI ng mga health at safety guidelines na obligadong sundin ng mga aplikante kahit GCQ.

Kabilang na rito ang pagsusuot ng face mask, pag-obserba sa physical distancing, at pagbabawal sa mga escorts.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: