NBI iimbestigahan na rin ang masaker sa Bulacan

Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang NBI na imbestigahan na rin ang pag-masaker sa limang miyembro ng isang pamilya sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sa Department Order 446 na may lagda ni Aguirre, iniutos ng kalihim sa NBI sa pamamagitan ni Director Dante Gierran ang imbestigasyon at case build -up sa pagpaslang at paggahasa kay Estrella Carlos at sa ina nito na si Aurora at pagpatay sa kanyang tatlong anak na bata.

Pinagsusumite rin ng DOJ ang NBI ng report sa itinatakbo ng imbestigasyon nito sa krimen.

Mga suspek na lulong sa iligal na droga ang itinuturong may kagagawan ng masaker.

Pinagsasaksak ng mga salarin nang maraming beses ang mga biktima at sinasabing ginahasa pa ang lola at ina ng pamilya.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *