NBI, magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa nangyaring misencounter sa pagitan ng PDEA at PNP

Ipinag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa NBI na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa nangyaring shootout sa pagitan ng mga tauhan ng Quezon City Police District at PDEA malapit sa isang mall sa Commonwealth Avenue.

Ayon kay Guevarra, ang imbestigasyon ng NBI ay iba pa sa isasagawang pagsisiyasat ng binuong ad hoc joint PNP-PDEA Board of Inquiry sa insidente.

Layon ng parallel investigation na mabatid ang totoong pangyayari sa sinasabing misencounter lalo na’t iginigiit ng parehong panig na may lehitimong anti- illegal drug operations sila sa lugar.

Nasawi sa insidente ang dalawang pulis at isang PDEA agent.

Moira Encina

Please follow and like us: