NBI mas pinaigting pa ang paghanap sa UP Law Professor na si Ryan Oliva

Wala pa ring sightings ang mga otoridad kay UP Law Professor at Department of Tourism Legislative Liaison Unit Head Ryan Oliva.

Iniulat na nawawala ang abogado noon pang November 21.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sobrang misteryoso dahil wala pa ring sightings ang NBI kay Oliva.

Gayunman, tiniyak ni Guevarra na pinaigting pa ng mga tauhan ng NBI ang pagtunton sa nawawalang abogado.

Tumutulong ang NBI- MIMAROPA sa lokal na pulisya ng Looc, Occidental Mindoro at sa Philippine Coast Guard sa paghanap kay Oliva.

Una nang nakita ang mga personal na kagamitan ni Oliva sa baybayin ng Barangay Balikyas, Looc, Occidental Mindoro.

Moira Encina

Please follow and like us: