NCR kasama ang maraming lugar sa bansa, mananatiling nasa Alert level 1 mula May 1 hanggang May 15

Mamamalagi sa Alert level 1 mula May 1 hanggang May 15 ang National Capital Region o NCR kasama ang maraming lugar sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar batay sa Inter Agency Task force o IATF Resolution 167- A maliban sa NCR nasa Alert level 1 ang 77 probinsiya at 944 na component cities and municipalites sa bansa.

Inihayag ni Andanar nasa alert level 2 naman ang 43 mga probinsiya at component cities and municipalities dahil sa banta parin ng COVID-19.

Niliwanag ni Andanar na nagpagpasiyahan ng IATF na mananatili ang pagpapatupad ng Alert level system sa bansa dahil hindi parin tuluyang nawawala ang banta ng pandemya ng COVID- 19.

Vic Somintac

Please follow and like us: