New COA Chair, may babala sa mga empleyado

Binalaan ng bagong Chairman ng Commission on Audit ang mga empleado nito na masisibak sa pwesto.

Ang babala ay ginawa ni bagong COA Chair Jose Calida sa unang araw ng pag-upo niya bilang bagong chairman ng COA.

Si Calida ay nagtungo sa COA kung saan sinalubong ito ng mga empleyado at opisyal.

Dumirecho siya sa briefing para alamin ang ilan pang detalye ng trabaho sa COA.

Sinabi ni Calida, walang instruction sa kanya si Pangulong Bongbong Marcos pero bahagi ng kanilang mandato ang mahigpit na bantayan ang paggastos ng pondo ng taumbayan.

Tumanggi namang magbigay ng detalye si Calida kung itutuloy nito ang paglalabas ng mga Annual Audit at Financial Report ng mga ahensya at departamento ng gobyerno.

Pinag- aaralan niya pa raw ang lahat ng patakaran sa COA at maglalabas na lamang ng impormasyon hinggil dito.

Meanne Corvera

Please follow and like us: