Ninakaw na cash na ibinalik sa may-ari may kasamang apology note

 

                                photo credit: nationaldailyng.com

Itinurn-over sa pulisya ang ninakaw na cash na may kasamang letter of apology, mula sa magnanakaw na kumuha nito sa wallet ng isang babaeng taga-Arkansas.

Ayon kay Susan McNabb, iniwan nya ang kaniyang wallet na may lamang cash na $160, sa likod ng isang supermarket sa Clinton at nang balikan niya ito ay naroon pa ang wallet, subalit wala na ang cash na laman nito kaya agad niya iyong ini-report sa City police.

Sinabi ni McNabb, na nagulat sya nang tawagan siya ng pulisya para sabihing may nagpunta sa kanilang himpilan upang iwan ang isang envelope na naglalaman ng $160 cash at isang note.

Gayunman, hindi sinabi ng babaeng nag-iwan sa envelope ang kaniyang pangalan.

Ayon kay McNabb, ang pagbabago ng damdamin ng babae ay nagbigay sa kaniya ng inspirasyon na gamitin ang naturang pera sa pagtulong sa iba.

 

===============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *