NLEX-SCTEX-Cavitex, handa na sa pagdagsa ng mga motorista na uuwi sa mga probinsiya para sa Undas

Tiniyak ng Metro Pacific Tollways Corporation o MPTC na handa na sila sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga motorista na NLEX-SCTEX-Cavitex.

Simula Oct. 26, 28, 31 at Nov. 1, magbubukas ng 28 toll collection points sa Balintawak toll plaza.

Habang sa Mindanao avenue naman, Tarlac at Tipo Toll plaza ay magbubukas ng 10 hanggang 20 toll collection points.

Maglalagay rin sila ng Porta booths at portable toll collections equipment para mapabilis ang waiting time ng mga motorista sa toll plaza.

Sususpendihin rin ng MPTC ang lahat ng construction sa kahabaan ng mainline road ng NLEX-SCTEX-Cavitex.

Magsisimula ito alas 5:00 ng hapon ng Oct. 26 hanggang alas 9:00 ng umaga ng November 5, para hindi makaabala sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga motorista na dadaan sa expressways para umuwi sa mga probinsya sa norte ngayong bakasyon.

 

===========

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *