No to Jeepney Phaseout Coalition, magdaraos ng kilos protesta sa Mayo 22

Ikinasa na sa Mayo 22 ang pambansang kilos protesta ng mga operator at driver bilang pagtutol sa scrapping at phase out ng mga pampasaherong jeepney.

Ayon kay George San Mateo, Pangulo ng PISTON at Convenor ng no to jeepney phase out coalition, niloloko lamang ng LTFRB at DOTr ang mga operator ng sabihin  ni LTFRB Chairman Martin Delgra na walang ipatutupad na phase out.

Subalit, ipatutupad ng ahensya ngayong taon ang scrappage program sa mga jeepney  na nakapaloob sa omnibus franchising guidelines ng DOTr-LTFRB na ilalabas bago matapos ang Mayo.

Bahagi ng modernazation program, hihikayatin ng ahensya na palitan na ng makabagong sasakyan ang mga lumang jeepney at palitan ito ng mga e-jeepney, euro 4 at solar jeepney para gamiting public transportation.

Ulat ni: Gerald Rañes

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *