No RT-PCR, No S-Pass, No entry, ipinatutupad sa Zamboanga city

Bilang bahagi ng safety measures ng Zamboanga city laban sa Covid-19 variants, mahigpit na ipinatutupad ng lungsod ang “No RT-PCR, No S-PaSS, No entry.

Ito ay kahit anupaman ang layunin sa pagbiyahe o pagpasok sa Zamboanga alinsunod sa Executive Order 674-2021.

Simula pa noong August 11 ay may mga itinalaga nang free rapid at antigen test sa mga border ng lungsod para sa mga essential worker na pinapayagang lumabas at pumasok sa lungsod.

Kahapon, August 14, ay umaabot sa 123 violators ang nasita ng Zamboanga City Police kung saan ang nangunguna ay ang paglabag sa curfew, sinundan ng hindi pagdadala ng quarantine pass o valid ID, hindi pagsusuot ng face shield at hindi pagsunod sa physical distancing.

I

Please follow and like us: