Nominasyon ng 2 envoys at 14 DFA officers lusot na sa Commission on Appointments

Lusot na sa Commission on appointments ang nominasyonn ng labing apat na opisyal ng Department of Foreign Affairs.

Kabilang na rito sina Philippine Ambassador to Egypt Ezzedin Hamdi Tago Philippine Ambassador to the Holy See Myla Grace Ragenia Catalbas Macahilig.

Si tago ay taga Lanao del sur na naging casual employee sa DFA noong 1995.

Una siyang nadeploy bilang junior officer ng Philippine embassy sa Riyadh at Jakarta.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, isang magaling na opisyal si tago kaya siya mismo ang nagsulong na maging diplomat ito sa Egypt.

Si Macahilig ay 23 taong namang nasa serbisyo na kasalukuyang assistant secretary ng financial management ng DFA.

Nagsilbi ito sa mga embahada ng pilipinas sa New Zealand mula 2002 hanggang 2008 at United Kingdom mula 2012 hanggang 2018.

Bukod sa mga embahador, inaprubahan ng ca ang promotion ng dalawamput siyam na senior officers ng Armed Forces of the Philippines.

Kabilang na rito si Lt. General Greg Almerol na hepe ng Eastern Mindanao command.

Meanne Corvera

Please follow and like us: