Northeast Monsoon, nakakaapekto ngayong araw sa Hilagang Luzon

Northeast monsoon ang nakaka-apekto ngayong araw sa Hilagang Luzon.

Dahil dito, ayon sa Pag-Asa DOST, magiging maulap ang ppapawirin na may kasamang pag-ulan sa Cagayan Valley region.

Habang ang Ilocos Region at Cordillera Administrative Region ay magiging bahagyang maulap ang papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan.

Ang Metro Manila ay makakaranas naman ng maulap na papawirin na may isolated rainshowers sanhi ng localized thunderstorms.

Sinabi rin ng weather bureau na wala silang namamataang sama ng panahon sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

Please follow and like us: