Notorious na magnanakaw sa bayan ng Kalibo, Aklan naaresto

Arestado ang notoryus na magnanakaw at ang misis nito sa Kalibo, Aklan.

Kinilala ang mga suspek na sina Glenn Alvin Orille at Maria Evelyn Orille

Ayon sa otoridad, nakita sa cctv ang kanilang pagnanakaw sa apartment ngunit nakilala sya ng isa sa mga biktima kaya mabilis na tumakbo at umalis gamit ang sasakyan.

Narecover ng mga otoridad ang mga ninakaw, mga alahas, relo, laptop, netbook, cellphone,camera, pera, sapatos at ibat’ibang ids ng suspek.

NAkita rin sa likod ng van ang isang granada.

Inaalam pa ng mga otoridad ang kabuuang halaga ng mga ninakaw.

Ang suspek, kasama ng kaniyang misis, kasalukuyang nakakulong sa Kalibo PNP station at nahaharap sa kaukulang kaso.

Ulat ni Alan Gementiza

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *