NPA may binabalak na malaking pag-atake – PNP Chief

Ibinunyag ni PNP Chief PDGen. Ronald dela Rosa na may natanggap silang intelligence information na may pinaplanong malaking pag-atake ang  rebeldeng New Peoples Army.

Pero tumanggi muna si dela Rosa na magbigay ng detalye kaugnay nito.

Binigyang-diin ni dela Rosa na kung may pinaplano ang rebeldeng grupo may ginagawa ring hakbang ang otoridad para ito mahadlangan pero hindi ito pwedeng ihayag sa media.

Sinabi pa ni dela Rosa kailangan lumaban sila sa mga rebeldeng NPA by “all means and by all cost.”

Dagdag pa ni dela Rosa matagal ng niloloko ng NPA ang gobyerno at ang taumbayan at ginagamit lang ang pagkakataon para magpalakas ng kanilang pwersa.

Giit pa ng PNP chief, sana natuto na ang lahat ng leksyon sa nakalipas na karanasan sa NPA.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *