Number Coding na ipatutupad sa San Fernando City, La Union suspendido muna

Pansamantalang sinuspinde ang pagpapatupad ng number coding sa siyudad ng San Fernando, La Union.

Batay ito sa ipinasang City Resolution No. 20-690 kamakailan ng Sangguniang Panlusod, na nagsususpinde sa City Ordinance 2020-12.

Dahil dito ay maaari nang dumaan ang lahat ng pribadong sasakyan sa Central Business District anumang araw.

Hindi na rin muna kinakailangan ang Special Home Quarantine Pass para sa frontline workers.

Ulat ni Danny Garcia

Please follow and like us: