Number Coding, suspendido sa May 14

Suspendido ang number coding scheme  sa Barangay at Sangguniang Kabataan (sk) elections sa Lunes, May 14.

Ayon sa Metro Manila Development Authority o MMDA  sinuspinde ang Unified vehicular volume reduction program kasabay ng halalan.

Inanunsyo ang suspensyon ng number coding sa twitter ng MMDA.

Sinamantala naman ng ahensya na magpaalala sa publiko na bumoto ng tama.

Hinikayat ng MMDA ang mga Filipino na pumunta sa mga polling precincts at gawin ang karapatang bumuto.

 

================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *