Office of the Ombudsman magha-hire ng karagdagang mga abogado para mapabilis ang imbestigasyon ng mga kaso sa katiwalian sa gobyerno

Nagsasagawa na ng re-structuring sa plantilla position sa Office of the Ombudsman.

Ito ang inihayag ni Ombudsman Samuel Martirez sa ginagawang deliberasyon ng house Committe on Appropriations sa 2024 proposed budget ng office of the ombudsman na nagkakahalaga ng 5.050 billion pesos.

Sinabi ng Ombudsman na magha-hire ng karagdagang mga abogado para mapabilis ang mga isinasagawang imbestigasyon sa mga kasong may kinalaman sa katiwalian sa gobyerno na kinasasangkutan ng mga opisyal ng pamahalaan.

Ayon sa Ombudsman pag-iisahin na rin ang fact finding investigation division at preliminary investigation division upang ang mga abogado na ng Ombudsman ang kakatawan sa korte sa mga kaso ng katiwalian na kinasasangkutan ng mga opisyal ng gobyerno at hindi na ang mga abogado ng Department of Justice upang mapalakas ang case tracking o monitoring.

Inihayag ng Ombudsman na sa ngayon ay mayroon lamang 353 na abogado ang Office of the Ombudsman mula sa central at sectoral office.

Niliwanag ng Ombudsman na mayroong apat na pangunahing programa ang Office of the Ombudsman para magampanan ang trabaho bilang guardian ng good governance na kinabibilangan ng anti corruption investigation program, anti corruption enforcement program, ombudsman public assistance program at corruption prevention program.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *