OFW natagpuang patay at sunog ang katawan sa disyerto ng Kuwait

Isang Overseas Filipino Worker ang natagpuang patay at sunog ang katawan sa disyerto sa Kuwait.

Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Toots Ople, natagpuan ang katawan ng 35 anyos na kinilalang si Jolibee Ranara, isang kasambahay sa Kuwait.

Naaresto naman aniya at hawak ng mga otoridad ang anak ng employer ni Ranara na isang 17 anyos.

Sinabi ni Ople na pinuntahan niya at nakausap ang pamilya ni Ranara.

Kuwento aniya ng pamilya, huli nilang nakausap si Jolibee nitong Biyernes at isinumbong ang anak ng kaniyang employer hinggil sa ginagawang pang-aabuso sa kanya.

Naghahanda na aniya ang isang team ng DMW na magtungo sa Kuwait para asikasuhin ang kaso ni Ranara.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.