Oil price rollback, asahan sa susunod na linggo

Matapos ang ilang linggong oil price hike, napipinto namang magpatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines, posibleng bumaba sa P2.90 hanggang P1.00 ang bawas presyo sa kada litro ng diesel.

Habang nasa P0.40 hanggang P0.60 sentimos naman ang maaaring tapyas presyo sa kada litro ng gasolina.

Please follow and like us: