One RFID two wallet system ng DOTr

Mayroon ng naisip na solusyon ang Department of Transportation o DOTr para maresolba ang problema sa pagpapatupad ng RFID sa mga expressway.

Sinabi ni DOTr Assistant Secretary Alberto Suansing na ipatutupad ang one RFID two wallet system.

Ayon kay Suansing ang one RFID two wallet system ay nangangahulugan na kung ang isang motorista ay mayroon na siyang RFID ng Metro Pacific ay hindi na kailangan na magkabit pa ng RFID ng San Miguel Corporation.

Inihayag ni Suansing ang kailangan lamang gawin ay pumunta sa tanggapan ng Metro Pacific o San Miguel Corporation para mairihistro ang eksistidong RFID para hindi na kailangang kumuha pa ng isa.

Niliwanag ni Suansing na ang one RFID two wallet system maaaring gamitin sa alinmang expressway ang nakakabit na RFID basta ito ay nakarehistro sa Metro Pacific at San Meguel Corporation.

Vic Somintac

Please follow and like us: