Online briefing sa Malakanyang, planong ipatupad ng PCOO

Balak ng Presidential Communication Operations Office o PCOO na idaan na lamang sa online ang briefing sa Malakanyang.

Sinabi ni PCOO Secretary Martin Andanar na ang online briefing ay isang paraan upang maiwasang ma-expose sa banta ng COVID 19 ang mga miyembro ng Malakanyang Press Coprs.

Ayon kay Andanar magagamit ang mga portal ng PCOO sa social media para sa virtual press briefing.

Inihayag ni Andanar na kailangan ang ibayong pag-iingat dahil sa patuloy na pagkalat ng COVID 19 sa bansa.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us: