Operasyon ng 2 consular offices ng DFA, suspendido pa rin hanggang September 24

Suspendido pa rin hanggang September 24, ang operasyon ng consular offices ng Dept. of Foreign Affairs (DFA) sa Robinsons Galleria sa Quezon City, at Robinsons Place Pangasinan sa Calasiao.

Ayon sa DFA, ito’y dahil sa naka-isolate at naka-quarantine pa rin ang personnel alinsunod sa ipinatutupad na guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) at ng Dept. of Health (DOH).

Ang operasyon ng dalawang tanggapan ay una nang sinuspinde mula Sept. 13-17, matapos magpositibo sa Covid-19 ang ilang kawani.

Ayon sa DFA, ang mga aplikanteng maaapektuhan sa panahon ng suspensiyon ay padadalhan ng email, kung saan nakadetalye ang kanilang alternative passport appointment.

Patuloy namang humihingi ng pang-unawa ang DFA, dahil kailangan nilang sumunod sa mga umiiral na patakaran laban sa COVID-19 pandemic para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga tauhan at mga aplikante.

Please follow and like us: