Operasyon ng CA- Visayas, full-onsite na muli

Balik na sa full on-site capacity ang trabaho sa Court of Appeals Visayas Station makaraang isailalim na rin sa Alert Level 1 ang Cebu City.

Sa kautusan na inisyu ni CA Presiding Justice Remedios Salazar- Fernando, pisikal nang bukas at lahat ng kawani ay papasok na on-site sa CA Visayas.

In-court na rin ang pagdaraos ng mga pagdinig at raffle ng mga kaso.

Maaari pa rin na magsagawa ng videoconferencing hearings pero ito ay dapat aprubado ng presiding justice.

Tanging ang mga bisita na may official business ang papayagan na makapasok sa court premises at dapat makapagprisinta sila ng negatibong antigen o RT-PCR test.

Moira Encina

Please follow and like us: