Operasyon ng MRT 3 balik na sa normal ngayong araw

mrt1

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Balik na sa normal ang biyahe ng Metro Rail Transit  3 ngayong araw.

Ayon sa Department of Transportation, labing walong tren ang unang bumiyahe  sa pagbubukas ng MRT.

Balik na rin sa 40 kilometers per hour ang bilis ng andar ng mga tren.

Una rito, matinding perwisyo ang dinanas ng mga pasahero makaraang ipatupad ang mas mabagal na pag-andar ng mga tren na 20 kilometers per hour lamang at binawasan din ang bilang ng pinabyaheng tren.

Isinailalim kasi sa inspeksyon ang ilang tren matapos makitaan ng sira sa axle ng riles nito.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *