Operasyon ng Pasig River ferry, pansamantalang sinuspinde ng MMDA

Courtesy: MMDA

Pansamantalang sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon ng Pasig River Ferry Service (PRFS) simula ngayong araw.

Ayon sa MMDA, ito ay dahil sa maraming nakaharang na water hyacinths sa ilog-Pasig at nahihirapang makabiyahe ang mga ferry.

Sinabi ng MMDA na nagsasagawa sila ng clean-up activities para alisin ang mga nakaharang na mga water lily.

Ibabalik ang normal na operasyon kapag nalinis na ang waterway.

Please follow and like us: