Operasyon ng Philhealth tuloy parin sa kabila ng pagbibitiw ng maraming opisyal nito

Hindi maaapektuhan ang operasyon ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth may magbitiw mang mga opisyal nito.

Ito ang binigyang diin ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire kasunod ng pagbibitiw sa pwesto ng 43 opisyal ng Philhealth.

Ang pagbibitiw nila sa pwesto ay kasunod ng inilabas na memorandum ni Philhealth President Dante Gierran na courtesy resignation ng lahat ng opisyal na nasa Salary Grade 26 pataas.

Ayon kay Vergeire, kahit na magresign ang ilang opisyal nito ay tuloy tuloy parin naman ang trabaho sa Philhealth.

Hindi naman aniya nito paoayagan na mabalam ang operasyon nito dahil sa pagbibitiw ng ilang opisyal.

May mabakante man aniyang mga posisyon ito ay agad namang napupunan pansamantala ng mga ipapalit rito.

Madz Moratillo

Please follow and like us: