Operating speed ng MRT-3, itinaas na sa 60kph

Itinaas na sa 60 kilometer per hour ang bilis ng mga tren ng M-R-T 3 .

Ayon sa Department of Transportation o DOTr , dahil 60 kilometers per hour na ang bilis ng biyahe ng kada tren ay limampung minuto na lamang ang travel time sa pagitan ng North avenue station sa Quezon City hanggang Taft avenue sa Pasay City.

Ang sunuran naman ng bawat tren ay bumaba na rin sa pagitan ng tatlo at kalahati hanggang apat na minuto.

Bago maisagawa ang rehabilitasyon sa MRT- 3, nasa 30 kilometer per hour lamang ang bilis ng takbo ng kada tren.

Please follow and like us: