Operational capacity ng mga first- at second- level courts sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3, limitado hanggang 50%

Naglabas ang Korte Suprema ng mga panuntunan para sa operational capacity ng mga first- at second-level courts sa NCR at iba pang lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.

Sa sirkular ng Office of the Court Administrator, sinabi na limitado sa 30% hanggang 50% ang skeleton workforce sa mga nasabing hukuman sa Metro Manila hanggang Enero 15.

Ito ay para matugunan pa rin nang sapat at maayos ng mga korte ang mga concerns na idudulog sa mga ito.

Mananatiling suspendido ang Saturday duty at ang regular office hours ay mula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon mula Enero 3 hanggang 15

Mahigpit ding ipinapatupad ang mga guidelines sa in-court hearings, at filing ng mga mosyon at iba pang court submissions sa mga nasabing petsa.

Bukod sa NCR, isasailalim na rin sa Alert Level 3 ang Bulacan, Cavite, at Rizal.

Moira Encina

Please follow and like us: