Opisyal ng PNP- NCRPO, arestado habang nagpa-pot session sa Las Pinas

Arestado ang isang opisyal ng PNP Crime Laboratory matapos maaktuhang nagpa-pot session sa Las Pinas.

Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde, si Superintendent Lito Capamungan ay naaresto ng dalawang tauhan ng PNP Las Pinas matapos makatanggap ng tawag sa ilang concern citizen hinggil sa illegal drugs operations sa Everlasting Homes sa Barangay Talon 4 Las Pinas.

Kasamang naaresto ni Capamungan ang isang 44 anyos na babae.

Nakuha kay Capamungan ang tatlong sachet ng shabu, tatlong aluminum foil at lighter.

Please follow and like us: