Oposisyon sa Kamara, pai-imbestigahan din ang pagkamatay ni Kian delos Santos

Maghahain din ng resolusyon ang oposisyon sa Kamara para pa-imbestigahan ang pagkamatay ni Kian Lloyd delos Santos, sa drug operation ng Caloocan police.

Sinabi ni Magdalo Rep. Garry Alejano na magpupulong ngayong araw ang oposisyon at lalagdaan nila ang resolusyon na ginawa ni Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin na nananawagan sa Kamara para magsiyasat din sa sinapit ni Delos Santos.

Gayunpaman, hindi na umaasa si Alejano na mapagbibigyan ang kanilang hiling.

Ito’y dahil ilang resolusyon na aniya ang kanilang inihain para imbestigahan ng Kamara ang extra-judicial killings ngunit nananatiling tahimik ang mga kaalyado ng administrasyon at pinagtatakpan pa si Pangulong Rodrigo Duterte.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *