Oriental Mindoro Provincial Prosecutor, tinambangan; NBI iniimbestigahan na ang kaso

Sugatan si Oriental Mindoro Provincial Prosecutor Josephine Caranto- Olivar matapos tambangan nitong Lunes ng umaga habang papasok sa kanyang bahay.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, iniimbestigahan na ng NBI Regional Office ang insidente para mapanagot ang mga nasa likod ng pananambang.

Sinabi naman ni DOJ spokesman at undersecretary Markk Perete na nagtamo ng limang tama ng baril ang piskal kung saan dalawa rito ay sa ulo at tatlo sa katawan.

Isinailalim anya sa CT Scan si Olivar at nakatakdang operahan din dahil sa mga tinamong sugat.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *