Outgoing Health Secretary Francisco Duque III,magreretiro na sa paghawak ng posisyon sa gobyerno.

Magreretiro na sa paghawak ng posisyon sa gobyerno si Outgoing Health Secretary Francisco Duque III.

Sa isang news forum sa Maynila, sinabi ni Duque na pagkatapos ng kanyang termino sa Department of Health, lilipat naman sIya sa academe para magturo sa unibersidad na pag-aari ng kanilang pamilya.

Babalik umano sIya sa kanilang lalawigan sa Pangasinan.

Umaasa naman si Duque na ang papalit sa kanya ay iyong alam ang trabaho sa DOH at mayroong sapat na kaalaman at kasanayan sa COVID- 19 response.

Mahalaga aniya ito para mapanatili ang magandang estado ng bansa ngayon pagdating sa usapin ng COVID- 19 .

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: