P 2.1 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo nasabat ng mga tauhan ng PCG

Aabot sa 2.1 milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa Galas Feeder Port sa Dipolog City.

Ayon sa PCG, tinakpan pa ang mga sigarilyo ng sako ng bigas pero sa tulong ng K9 Unit ay nakita ang mga kontrbando.

Naiturn over na ang mga nakumpiskang sigarilyo sa Bureau of Customs para sa karagdagang impormasyon at pagsasampa ng reklamo.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *