P 4.5-T 2021 Proposed National Budget , bubusisiin ni Pangulong Duterte bago pirmahan

Hindi basta basta lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pambansang pondo na nagkakahalaga ng 4.5 trilyong piso.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque matapos ratipikahan ng dalawang kapulungan ng kongreso ang bicameral conference committee report ng national budget ipapadala ito sa Office of the President bilang enrolled bill.

Ayon kay Roque isang abogado ang Pangulo kaya hindi basta basta pumipirma ng mga dokumento nang hindi muna binubusisi ang nilalaman nito.

Inihayag ni Roque hindi pahihintulutan ng Pangulo na mayroong probisyon ang national budget na lalabag sa saligang batas.

Niliwanag ni Roqoue anumang probisyon ng National Budget na hindi umaayon sa konstitusyon ginagamit ni Pangulong Duterte ang kanyang line veto power.

Vic Somintac

Please follow and like us: