P2.4-million na halaga ng marijuana, nasabat sa Navotas City

Dalawang suspek ang naaresto ng Navotas PNP, sa isinagawang illegal drug buy-bust operation sa Barangay NBBS Proper, sa Lungsod ng Navotas alas-9:20 kagabi.

Sa pangunguna ni Pol. Lt. Luis Rufo ng Station Drug Enforcement Unit, at sa personal na pagsubaybay ni Pol. Col Dexter Ollagin, hepe ng Navotas PNP, sa pakikipagtulungan ng PDEA, ay nadakip ang mga suspek na sina Ali James Erese, 20 anyos, residente ng Tondo, Manila at Joseph Raven Cotejo, 22 anyos at residente naman ng Rosario, Cavite.

Nakuha sa mga suspect ang 20 bloke ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng 1 kilo kada piraso, na nagkakahalaga ng 2.4 million pesos.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Edison Domingo, Jr.

Please follow and like us: